For Our Future Self



Isang daan at walong taon na ang lumipas
Panahon ay mabilis na kumakaripas
Nadagdagan na rin tayo ng Yumi
Sa paglipas ng panahon tayo ay dadami

Sinulat ko ang tulang ito
Para mabasa mo ng husto
Kahit may awayan tayo minsan
Sa huli tayo pa rin ay nagmamahalan

Sana sa pagputi ng ating mga buhok
Wag kang magmumukmok sa sulok
Bagkus laging ngumiti at tumawa
At makipagharutan kay Yumi tuwina

Sa ating Anibersaryo wag mong kakalimutan
Na narito ako lagi pag malamig ikay kukumutan
At si Yumi na laging nakaalalay
sa likod mo tuwing may saya at lumbay

Maligayang ika siyam na taong anibersaryo natin
Mamatot!!!
Blogger Tips and TricksLatest Tips For BloggersBlogger Tricks